Malayo pa ang Umaga


Bagyo. Lindol. Pagguho ng Lupa. Ito ay iilan lamang sa mga kalamidad na patuloy na umaatake sa ating bansa. Ito ay naging dahilan upang mawasak ang mga ari-arian at ang pagkitil sa buhay ng mga inosente. Dito natin matatanong sa ating sarili: gaano ba talaga kahanda ang Pilipinas? May mga paraan ba na ginagawa ang ating pamahalaan upang sa susunod na manalansa ay magiging handa na ang bansa?

Lungkot at hinagpis ang naramdaman ng mga tao sa siyudad ng Naga, probinsya ng Cebu ng gumuho ang lupa sa barangay Sindulan na pumatay sa 49 ka tao, sugatana ang 10 tao at hinahanap pa ang may humigit kumulang na 30 katao. Naging pangunahing dahilan ng pangyayari na ito ay ang pagmimina. Sa kabila ng kampanya ng pamahalaan sa pagsasagagwa ng “responsableng pagmimina”.

Sa ating bansa, napakahirap ang pagkakaroon ng isang handa na komunidad. Naging dahilan na ang pagproseso sa mga paghahanda sa bansa ay parang isang pagong na mahina ang pag-usbong. Kung magpapatuloy, magiging dahilan ito upang sa hinaharap ay magiging mas mapinsala pa ito at walang alam ang mga tao sa kanilang gagawin kung magkakaroon ng isang mapaninsalang trahedya.

Malayo pa ang tatahakin ng pamahalaan sa pagkakaroon ng isang handang bayan ngunit dapat nila itong simulan ngayon upang kahit sa unti-unting paraan ay may nagawang pagbabago ang ating pamahalaan, na siya namang pangako na gagawin nila sa ating bansa. Dapat na rin tayo matuto sa mga nakaraang kalamidad ng bansa. Sa huli, hindi pa rin hawak ng pamahalaan ang desisyon ng karamihan, dapat natin sila sundin para na rin ito sa ating kaligtasan.

Comments