Matuto sa Nakaraan
Palagi
tayong sinasabihan: Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na palaging
binibisita ng mga kalamidad, natural man ito o gawa ng tao. Sa mga sakuna gaya
ng mga bagyo, pagbaha, lindol at iba ba, ano-ano ang mga hakbang na ginagawa ng
pamahalaan upang matugunan ang mga hamon taon-taon maliban sa mga silid-aralan
na ginagawang mga “evacuation centers” para sa mga nawalan ng bahay sa tuwing may kalimidad?
Naging
kaugalian na ng mga Filipino ang tumira sa mga paaralan bilang temporaryong
bahay upang doon sila maghintay ng mga tulong na galing sa iba’t ibang tao o
organisasyon sa ating bansa at ang iba naman ay ang nagkakasakit dahil sa dami
ng mga taong nakatira dito at ang kawalan ng kinakailangang probisyon. Kaya
nararapat lang na magkaroon na ng pagbabago ang sistema na ito ng pamahalaan
sapagkat hindi na ito magiging ligtas sa mga tao.
Dahil sa mga kalamidad na dumating, marami tayong
natutunan dito. Isa na ang Bagyong Yolanda na sa kawalan ng kaalaman at ang
komunikasyon sa mga tao ay marami ang hindi nakaligtas sa kanyang hagupit. Kaya
sa mga sumusunod na kalamidad, may sistema na ang komunikasyon sa bansa at ang
kanillang paraan upang malaman ng mga tao ang dapat nilang malaman na mga
impormasyon ukol sa mga paparating na bagyo ay mas nagiging komprehensibo. Ito
ay ang pag-usbong kahandaan sa ating bansa.
Binabalak din ng ating pamahalaan na magpatayo ng
Department of Disaster Management na naglalayong pag-igtingin ang paghahanda ng
bansa at upang maging mas madali at mas maaga ang pagreresponde sa tuwing may
kalamidad na mangyayari. Ang paraan na ito ay magbibigay ng positibong
hinaharap sa bansa sa patuloy nating pagharap sa mga hamon ng kalikasan.
Hindi natin maiiwasan ang mga pagkamatay o pagkasira
tuwing may masamang mangyayari sa bansa. Ngunit ito ay malilimitahan kung tayo
ay maghahanda. Ang pagkakaroon ng kahandaan sa mga kalamidad ay ang tanging
panangga natin. Dapat na tayo maging aktibo at sumunod sa mga eksperto dahil
ang tanging hangad nila ay maging ligtas ang lahat.
Comments
Post a Comment