Magsiguro at Magplano
Kaugalian ng mga Filipino na maghanda para sa isang inaasahang bisita. Ang buong bahay ay nililinis, ang mga kurtina ay pinapalitan, ang mga plato’t kutsara sa loob ng aparador ay inilalabas. Kahit sa pinakamaliit na detalye ng preparasyon ay talagang tinututukan at binibigyang pansin. Pero paano na lamang kung ang nasabing bisita ay hindi nagpaalam na darating? Ika ba ay handa na siya’y salubungin?
Ang sakuna at delubyo, sa ano mang
uri at anyo nito ay isa sa mga bisitang hindi magpapaalam na ika’y bibisitahin.
Ang kanilang pagdating ay biglaan at walang sinuman ang nakakalam sa eksaktong
petsa at oras kung kailan. Minsang pag-ambon at pag-ulan, ang makulimlim na
ulap, biyak sa lupa ay pahiwatig at sinyales pala ng kanilang nakaambang
pagdating.
Isa
sa mga paraan upang mapaghandaan ang sakuna ay ang pagkakaroon ng isang “survival
go-bag”. Laman ng nasabing bag ang
mga nakasalansang pangunahing pangangailangan at gamit ng buong pamilya.
Mahalagang maglaman ito ng mga sumusunod:
PAGKAIN AT MALINIS NA TUBIG
Maghanda ng mga pagkaing madaling kainin at hindi
madaling mapanis kagaya ng biskwit at mga pagkaing de lata. Huwag kalimutan ang
isang galon ng malinis na tubig. Ang dami ng mga nabanggit ay nakadepende sa
bilang ng pamilya.
FIRST
AID KIT
Importante ring
maghanda ng isang first aid kit na naglalaman ng gamot at maintenance
medicines, bendahe at panlinis ng sugat. Ito ay magagamit kung sakaling
mayroong magkasakit o kaya’y masugatan sa pamilya.
HYGIENE
KIT
Upang makaiwas sa
pagkakasakit, nararapat at kinakailangan na panatilihing malinis ang katawan.
Sa iyong survival go-bag, huwag kalimutang ilagay ang sabon, shampoo, sipilyo,
toothpaste at tisyu.
TOOLS
Magagamit ang tools
kagaya gunting, maliit na kutsilyo o Swiss knife sa iba’t ibang sitwasyon
maging sa pagluluto. Mahalaga ring isama ang lubid o tali sa bag na magagamit
din kung sakaling babaha.
POWERBANK,
ILAW AT RADYO
Importante ang powerbank para hindi maubusan ng baterya
ang cellphone na magagamit para sa komunikasyon sakaling mayroon pang
signal.
Sa
pagsapit ng gabi, asahang magiging madilim ang buong paligid dulot ng mga
pagtumba ng mga poste ng kuryente. Maghanda ng LED torch light o ‘di kaya ay
posporo, kanila at lampara upang magsilbing inyong liwanag. Huwag ding
magpahuli sa mga mahahalagang balita at updates sa lagay ng panahon gamit ang
iyong dalang battery-powered na radyo.
PERA,
ID AT MAHAHALAGANG DOKUMENTO
Huwag kalimutang
magtabi ng pera upang magkaroon ng kakayahang bumili ng mga pangangailangan sa
panahon ng sakuna. Mahalaga ring maisalba ang mga mahahalagang dokumento at mga
identification cards para sa
pagkakakilanlan ng pamilya.
Sa susunod na pagdating ng hindi inaasahang sakuna,
siguraduhing ikaw na ay lubusang nakapaghanda. Magsiguro. Magplano.
Comments
Post a Comment