Amang Takbuhan


Isang malakas na dagundong ang bumasag sa katahimikan ng umaga sa Sitio Tagaytay, Barangay Tinaan, Lungsod ng Naga sa Cebu. Pasado ikalima ng umaga ng Setyembre 20 ay abala ang bawat pamilya sa lugar sa paghahanda ng agahan nang nangyari ang kagimbal-gimbal na trahedya. Biglang gumuho ang lupa na nagbaon ng kabuhayan at ari-arian at sumingil sa maraming buhay. Kasama sa natabunan ang pag-asa at pangarap ng mga naiwang nakaligtas.
           
       Nagpaluha sa buong sambayanan ang mga larawan ng search, rescue at retrieval operations na madaling kumalat sa internet. Litrato ng mga nahukay na bangkay, nakaligtas at mga naghihinagpis ang laman ng naging laman ng mga post sa internet. Kabilang sa mga nag-viral ang larawan ng Pangulong Rodrigo R. Duterte sa kaniyang naging pagbisita sa lugar. Sa gitna ng pagdadalamhati, nagpaabot ng tulong at pakikiramay ang pangulo sa mga nasalanta.
                     Sa pagbisita ng pangulo, isa sa kaniyang mga nakasalamuha ang isang batang babae na naging ulilang lubos sanhi ng sakuna. Kaniya itong kinausap at tinanong kung gusto ba nitong pumunta sa Davao at sumama nalang sa kaniya. Naantig ang marami sa ipinakitang malasakit ng pangulo hindi lamang sa nasabing bata kundi sa kaniyang nasasakupan sa pangkalahatan. “I’ve never seen a president like him. People with the same compassion to people were Martin Luther King, Mother Theresa and Nelson Mandela,” saad ng isang netizen. Kadalasang ipinapakita ng media ang Pangulong Duterte bilang isang matapang at palaging galit na lider. Isang lider na kinatatakutan. Madalas nating marinig sa telebisyon ang kaniyang mga mura at patutsada laban sa mga tahasang lumalabag sa batas at kumokontra sa kaniyang paraan ng pamamalakad. Sa likod ng mga ito ay isang maawain at mahabaging pinuno.
           
      Sa mga naging pagbaha sa Luzon, sa naging krisis sa Mindanao at sa kasalukuyang sakuna sa Naga, Cebu ay hindi nangyaring wala ang pangulo upang mag-abot ng tulong at personal na mangumusta sa mga nasalanta. Sinasalamin ng bata ang mga Pilipinong nangangailangan ng kalinga ng isang ama. Minsa’y strikto man sa kaniyang pamamalakad ay mananatili pa ring isa sa ating mga takbuhan.

Comments