Duterte, binisita ang mga biktima ng landslide
CEBU, Philippines – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng landslide sa Naga City, Cebu nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 21, habang patuloy paring isinasagawa ang search and rescue operations para sa mga natabunan ng lupa.
Sinuri ni
Duterte ang kalagayan ng mga biktima ng landslide sa Enan Chiong Activity
Center, na nagsisilbing evacuation center para sa hindi lalagpas sa 1,500 na
residente, na lumikas mula sa kanilang bahay, ng Sitio Sindulan, Barangay
Tinaan.
Iniabot ng Pangulo ang kanyang pagdadalamhati para sa mga nawalan ng buhay sa nangyaring insidente.
“Ako, nasubo
tungod sa nahitabo. Dili malalim ang pagka krisis nga inyong giatubang karon.
Bug-at kayo. Dili lang tungod sa daghang tao nga napinsala ugkatong
nangamatay,” sabi niya.
Magbibigay ng
P45,000 ang Department of Social Welfare and Development at Office of the
President para sa bawat pamilyang nawalan ng kamag-anak dahil sa trahedy habang
bibigyan naman ng P10,000 bawat isang
taong nasugatan sa landslide.
Sinabi naman ni
Special Assistant to the President Bong Go na inatasan na ni Duterte ang iilang
ahensya upang masiguro na ang lahat ng pangangailangang medikal ng mga biktima
ay naiaabot, at binibigyan ang mga biktima ng funeral at burial assistance.
Ipinangako naman
ni Duterte ang pagbibigay pundo sa pagpapatayo ng mga evacuation centers na
magsisilning pansamatalang tuluyan ng mga residenteng pinalikas mula sa
kanilang tirahan.
Inatasan naman
niya ang National Authority General Manager Marcelino Esclada Jr. na trabahuin
na ang pagpapabahay para sa mga biktima ng landslide.
Comments
Post a Comment