Death toll sa Naga landslide, nadagdagan




Umabot na sa 56 ang bilang ng mga nasawi habang hindi naman bababa sa sampu ang nasugatan sa nangyaring landslide sa Naga, City ayon sa huling ulat na ipinalabas ng Naga City Police Station, Setyembre 25.

Nananatiling hindi pa rin tukoy ang ensaktong bilang ng mga nawawala, ayon sa estatsyon.

“Normally kapag landslide, kapag ganito na katagal, small chances na ‘yung survival ng mga victim,” pahayag ni Hector Reyes, ang team leader ng Technical Search Team

Nanantiling patuloy ang isinasagawang Search at Retrieval Operations ng mga awtoridad sa mga apektadong lugar ng Barangay Tinaan at Barangay Naalad.

Nasa 20 kabahayan ang natabunan sa Barangay Tinaan habang apat naman sa Barangay Naalad matapos ang landslide umaga ng Setymebre 21.

Isinisisi ng mga residente sa isang quarrying site malapit sa lugar ang naging pagguho ng lupa na pinalala pa ng sunod-sunod na pagbuhos ng malakas na ulan dala ng bagyong Ompong

Ayon sa pagtataya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hindi naman lalagpas sa 900 pamilya ang pinalikas na kasalukuyang nanatili ngayon sa mga evacuation centers.

Ipinatigil na ni  Kalihim Roy Cimatu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng operasyon ng mga quarrying sites sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao, at Caraga matapos ang insidente.

Comments