Pilipinas bigong manalo kontra Iran
CEBU, Philippines –
Nakuha ng Pilipinas ang kanilang pangalawang sunod na talo sa
Asian Women’s Volleyball Cup matapos pataobin ng Iran sa isa na namang 5
set na laro, 27-29, 25-16, 17-25, 25-12, 15-13 noong Lunes, Setyembre 17, 2018
sa Korat Chathai Hall sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.
Hindi naipagpatuloy ng Pilipinas ang kanilang naipong
momentum sa laro nang tinambakan sila ng Iran, 13-3, upang simulan ang ikatlong
set at ginamit nila ang nawalang laro ng Pilipinas upang manalo, 25-17 at
pilitin ang isang set upang desisyonan kung sino ang mananalo sa laro.
Sa huling set, binugahan ng Iran ang Pilipinas ng mga
malalakas na spikes at matitibay na mga blocks upang manguna, 4-7, tinapos at
hindi na pinagbigyan ang Pilipinas sa kanilang inaasam-asam na panalo.
Pinangunahan ni Mahsa Kadkhoda ang Iran na may 30 puntos,
19 sa spikes, 5 sa blocks at 6 sa mga service aces. Kahit natalo ang Pilipinas,
nakapagbigay parin ang The Phenom na si Alyssa Valdez ng 24 na puntos, 22 sa
spikes, 1 block at 1 service aces, na sinuportahan ni Mylene Paat ng 10 puntos.
Dahil sa mga sunod-sunod na pagkakamali ng Iran, tinabla
ng Pilipinas ang laro sa huling bahagi, 13-13, at magbigyan sila ng pagkakataong
tapusin na ito. Ngunit, binigo sila ng captain ball ng Iran na si Maedeh
Borhani Esfhani na binigyan ang Iran ng dalawang magkasunod na puntos upang
tapusin ang laro, 15-13, at dalhin ang Iran sa Quarterfinals.
Nakontrol ng Iran ang unang set ngunit nagkaroon ng
pag-asa ang Pilipinas na kunin ito matapos magkaroon ng mga nakakapanghinayang
na mga pagkakamali. Inulanan ng mga malalakas na spikes ni Valdez upang kunin
ang unang set sa Iran.
Hindi napigilan ng Iran na mamigay ng libreng puntos sa
Pilipinas upang sila ay matambakan, 16-25, sa pangalawang set. Inasahan ng
ating National Team si Paat, na tumulong kay Valdez upang magkaroon ng malaking
lamang, 8-3, sa pangatlong set at maglaan pa ng 11 lamang ang Pilipinas, 18-7
upang tapusin ang pangatlong set.
Nagkaroon ng 6-1 na takbo ang Iran na ikinatakot ng ating mga manlalaro ngunit mabilis ang
kanilang pagbalik sa kanilang magandang laro at agad-agad tinalo ang Iran upang
magkaroon ng 2-1 match advantage at magkaroon ng pag-as.ang tapusin na ang
laro.
Comments
Post a Comment